Wednesday, 2 October 2013

Produkto ng SIPC...Ako Yan!



Produkto ng SIPC…..AKO Yan!

Edukasyon ang tanging paraan o susi ng kaginhawaan.
Maraming taon ang lumipas, maraming bagay ang nagbago at binago ngunit ang bilang ako ay nanantiling  ako.Bilang produkto ng paaralang ito marami akong naging  karanasan, karanasang nag patatag sa akin bilang isang mahina noon na nagbigay ng panibagong pag-asa na magdadala sa akin sa rurok ng tagumpay.Hind imadali ang maging isang produkto ng institusyong ito, marami ang umaasa, marami ang naghihintay at higit sa lahat , lahat sila ay nagtitiwala sayo na makayanan mo kung kaya nga’t mahirap na ika’y mabigo.

                Habang ako’y papunta sa paaralang ito, maraming katanungan ang pumapasok sa aking isipan kung makakaya ko bang malampasan ang mga pagsubok na  naka-abang dito. Naranasan ko na magiging isang alipin, alipin ng mga aralin at takdang-aralin naka patong sa aking mga kamay. Maging isang katulong ng aking mga kagamitan na laging dala-dala papunta at pauwi , maging isang hardinero ng aking mga proyekto kung papano itong pagandahin at gawingkaakit-akit.At higit lahat naging isang alila ako ng aking sarili , na minsan nawawalan na ng pag-asa na malampasan ang mga pasakit na ito.Bilang isang mag-aaral ng paaralang ito na kumukuha ng Batselyer ng Sekondaryang Edukasyon medyor sa Filipino ay hindi basta-basta. Maraming mga gawaing naghihintay at umaasa sayo. Ang kursong ito ay ang syang nagpapasaya sa akin, mayron akong mga kaklaseng handang tumulong at makiramay at higit sa lahat mga gurong bihasang-bihasa sa pagtuturo sa ami, na siyang lagging gumagabay at nagpapatalino sa amin.

                Ang paaralang ito ay hindi nagkulang sa amin, oo ngat minsan may mga pagkakamali at kulang sila sa mga material na bagay, ngunit hidi naman nag kulang sa pagbibigay ng mga magagandang kaalaman sa mga mag-aaral. Ang pagbibigay ng kanais-nais na guro na ang pagbibigay ng magandang paaralan na kwalidad para sa lahat. Marami mang nagrereklamo ngunit sapagkat alam naman nating walang perpekto sa mundong ito.