Produkto ng
SIPC…..AKO Yan!
Edukasyon ang tanging
paraan o susi ng kaginhawaan.
Maraming taon ang lumipas, maraming
bagay ang nagbago at binago ngunit ang bilang ako ay nanantiling ako.Bilang produkto ng paaralang ito marami
akong naging karanasan, karanasang nag
patatag sa akin bilang isang mahina noon na nagbigay ng panibagong pag-asa na
magdadala sa akin sa rurok ng tagumpay.Hind imadali ang maging isang produkto
ng institusyong ito, marami ang umaasa, marami ang naghihintay at higit sa
lahat , lahat sila ay nagtitiwala sayo na makayanan mo kung kaya nga’t mahirap
na ika’y mabigo.
Habang
ako’y papunta sa paaralang ito, maraming katanungan ang pumapasok sa aking
isipan kung makakaya ko bang malampasan ang mga pagsubok na naka-abang dito. Naranasan ko na magiging
isang alipin, alipin ng mga aralin at takdang-aralin naka patong sa aking mga
kamay. Maging isang katulong ng aking mga kagamitan na laging dala-dala papunta
at pauwi , maging isang hardinero ng aking mga proyekto kung papano itong
pagandahin at gawingkaakit-akit.At higit lahat naging isang alila ako ng aking
sarili , na minsan nawawalan na ng pag-asa na malampasan ang mga pasakit na
ito.Bilang isang mag-aaral ng paaralang ito na kumukuha ng Batselyer ng
Sekondaryang Edukasyon medyor sa Filipino ay hindi basta-basta. Maraming mga
gawaing naghihintay at umaasa sayo. Ang kursong ito ay ang syang nagpapasaya sa
akin, mayron akong mga kaklaseng handang tumulong at makiramay at higit sa
lahat mga gurong bihasang-bihasa sa pagtuturo sa ami, na siyang lagging gumagabay
at nagpapatalino sa amin.
Ang
paaralang ito ay hindi nagkulang sa amin, oo ngat minsan may mga pagkakamali at
kulang sila sa mga material na bagay, ngunit hidi naman nag kulang sa
pagbibigay ng mga magagandang kaalaman sa mga mag-aaral. Ang pagbibigay ng
kanais-nais na guro na ang pagbibigay ng magandang paaralan na kwalidad para sa
lahat. Marami mang nagrereklamo ngunit sapagkat alam naman nating walang
perpekto sa mundong ito.