Ano ang Social Media?

Ang social
media sa panahong ito ay napaka demand mapa bata man o matanda, sa kadahilanang
dito tayo nagkakaugnay-ugnay
lalaong-lalo na sa mga taong malalyo sa atin. Ang papel nito sa ating mga
kabataan ay maaaring maging positibo kung marunong tayong gumamit nito. Unang-una
makatulong ito sa pagsagot n gating mga katanungan at makapamahagi ng mga
bagong kaaalaman o impormasyon.Nariyan ang mga facebook, twitter, wiki pedie,
yahoo at marami pang iba, dahil dito nagkakaroon tayo ng komunikasyon saan mang
panig ng mundo. Ito ang tanging paraan ng patuloy na paguugnay-ugnay. Nang dahil
sa mga social media na ito, napadali ang ating mga gawain, nagawa ng maayos at
malinis ang mga proyekto sa paaralan.
Hindi lamang puro positibo ang
maibabahagi nito, maaari ring maging negatibo ang epekto nito sa mga kabataang
hindi marunong gumamit ng maayos nito. Maaring dalhin ka niya nito sa ibang dimension
ng mundo. Lalong-lalo na sa mga batang puro laro lamang ang alam nila, ginagawa
tayong tamad. Na kung sana magawa pa natin sa mga mahahalagang gawain, nagiging robot na rin tayo ng
makabagong teknolohiya na ito, sunod-sunuran ng haring teknolohiya. Namulat nga
tayo sa modernong panahon ngunit naging alipin naman tayo ng mahal nating
teknilohoya.
Ang pagiging positibo o pagiging
negatibo nito ay nakabase na sa ating mga kamay bilang kabataan. Kung papaanu mo
ito pagagalawin sa ating mga palad. Tayo ay nasa makabagong panahon o modernong
pamamaraan ngunit ito ay gamitin sa mabuting paraan lalong-lalo na tayong mga
kabataan. Ika nga “ kabataan ang Pag-asa ng Bayan .’’ Mga mahal kung kabataan
hindi pa huli ang lahat , wag nating hayaan na tayo ay alipinin ng
teknolohiyang ito,gamitin ng tama ayon sa nararapat.
No comments:
Post a Comment