Monday, 30 September 2013

Mga Opputunidad na Pamamaraan sa Panahon ng 21 na Dantaon


Ang mundo ay hind  lamang tumitigil sa isang lugar, ito'y patuloy na umiikot hanggang sa makatuklas ng mga panibagong pamamaraan. Habang tummatagal nagiging porodukto na tayo ng ating pagiging modernisasyon.
Noon masasasabi nating ang pamararaan ng pagtuturo ay isang proseso ng tradisyonal o makaluma na paraan. Nabubuhay lamang tayo kung anu  meron ang ating mga ninuno, nanatiling simple at payak lamang. Walang masyadong teknolohiya na bumubuhay at tumutulong sa atin, kung kaya’t masisipag at matityaga ang mga tao noon.
Habang umiikot ang mundo, unti-unting nawawala ang pagkakatradisyong paraan ng mga tao. Ang lahat nang mga gawain ay inaasa  na lamang sa mga teknolohiyang kagamitan. Simula sa bahay, simbahan, paaralan o maging saan man lahat ay nagiging alipin na ng makapangyarihang  teknolohiya, kung hindi  ka magiging alipin  nito masasabihan kapang iniwan nan g panahon. Sa kabila nito marami pa ring magagandang maidudulot nito sa ating mga kabataan, ngunit nag-aabang na rin si negatibo sa pagsira nito sa mga taong  di marunong mag-ingat at mag-alaga.

Maidudulot sa mga Guro at Mag-aaral
                Sa panahong ito o 21st  na dantaon ay maraming magagandang maidudulot ito sa mga guro at mag-aaral. Sa mga guro tumutulong sa kanila upang makalikha ng mga panibagong estratehiya at pamamaraan. Binibyan sila ng mga panibagong impormasyon at ideya kung anu nga ba ang isang 21st century  teacher  sa panahong ito. Nagiging paraan  din ito upung magkaroon ng magandang komunikasyon ang guro sa kanyang mga estudyante.Naging mas madali ang paglanghap ng mga bagong balita at ang mga gawain.
                Bilang isang mag-aaral maraming pagbabago ang aking nararanasan, maraming pagkatuklas at mangha nag ipinapadama ng mala modernong mundo ko.Lahat ng mga bagay ay inaasa na sa mga teknolohiya.Minsan nagiging sanhi na ito ng pagiging tamad at pabaya sa mga gawaing nakaatas sa akin,masakit man isipin ngunit kailangan na nating itali ang ating mga sarili sa  ganitong sitwasyon.Dahil kung wala ito mawawala tayo sa mundo nila, mundo ng mga robot.Lahat ng mga gawain ay  nagiging gawain na nila, gaya halimbawa sa ating mga proyekto sa paaralan  nagiging madali na nang dahil sa kanila.Mas nagiging kaakit-akit sa paningin ng iba, nabibigyan sila ng mga magagandang kasagutan sa kanilang mga takdang-aralin at higit sa lahat madaling matapos ang mga gawain sa isang upuan lamang
                Kayat tayong mga kabataan gamitin itong maayos at kapaki-pikinabang dahil ito’y naghahahangad lamang ng magandang resulta para sa atin. Maraming naghihintay sa atin, upoung ibahagi ang mga panibagong  pamamaraan sa iba nating mamamayan.

No comments:

Post a Comment