Ang mundo ay hind lamang
tumitigil sa isang lugar, ito'y patuloy na umiikot hanggang sa makatuklas ng
mga panibagong pamamaraan. Habang tummatagal nagiging porodukto na tayo ng ating pagiging modernisasyon.
Noon masasasabi nating ang
pamararaan ng pagtuturo ay isang proseso ng tradisyonal o makaluma na paraan. Nabubuhay
lamang tayo kung anu meron ang ating mga
ninuno, nanatiling simple at payak lamang. Walang masyadong teknolohiya na bumubuhay
at tumutulong sa atin, kung kaya’t masisipag at matityaga ang mga tao noon.
Habang umiikot ang mundo,
unti-unting nawawala ang pagkakatradisyong paraan ng mga tao. Ang lahat nang mga
gawain ay inaasa na lamang sa mga
teknolohiyang kagamitan. Simula sa bahay, simbahan, paaralan o maging saan man
lahat ay nagiging alipin na ng makapangyarihang
teknolohiya, kung hindi ka magiging
alipin nito masasabihan kapang iniwan nan
g panahon. Sa kabila nito marami pa ring magagandang maidudulot nito sa ating
mga kabataan, ngunit nag-aabang na rin si negatibo sa pagsira nito sa mga
taong di marunong mag-ingat at
mag-alaga.
Maidudulot sa mga Guro at Mag-aaral
Sa panahong
ito o 21st na dantaon ay
maraming magagandang maidudulot ito sa mga guro at mag-aaral. Sa mga guro
tumutulong sa kanila upang makalikha ng mga panibagong estratehiya at
pamamaraan. Binibyan sila ng mga panibagong impormasyon at ideya kung anu nga
ba ang isang 21st century
teacher sa panahong ito. Nagiging
paraan din ito upung magkaroon ng
magandang komunikasyon ang guro sa kanyang mga estudyante.Naging mas madali ang
paglanghap ng mga bagong balita at ang mga gawain.
Bilang isang
mag-aaral maraming pagbabago ang aking nararanasan, maraming pagkatuklas at
mangha nag ipinapadama ng mala modernong mundo ko.Lahat ng mga bagay ay inaasa
na sa mga teknolohiya.Minsan nagiging sanhi na ito ng pagiging tamad at pabaya
sa mga gawaing nakaatas sa akin,masakit man isipin ngunit kailangan na nating
itali ang ating mga sarili sa ganitong
sitwasyon.Dahil kung wala ito mawawala tayo sa mundo nila, mundo ng mga robot.Lahat
ng mga gawain ay nagiging gawain na
nila, gaya halimbawa sa ating mga proyekto sa paaralan nagiging madali na nang dahil sa kanila.Mas
nagiging kaakit-akit sa paningin ng iba, nabibigyan sila ng mga magagandang
kasagutan sa kanilang mga takdang-aralin at higit sa lahat madaling matapos ang
mga gawain sa isang upuan lamang
Kayat tayong
mga kabataan gamitin itong maayos at kapaki-pikinabang dahil ito’y naghahahangad
lamang ng magandang resulta para sa atin. Maraming naghihintay sa atin, upoung
ibahagi ang mga panibagong pamamaraan sa
iba nating mamamayan.